^

Police Metro

Gunman ni Nicole tukoy na

Doris Franche-Borja at Lordeth B. Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tukoy na umano ng Department of Justice (DOJ) ang suspek na nagpaputok ng baril noong pagsalubong sa Bagong Taon na naka­patay sa 7-anyos na si Ste­phanie Nicole Ella sa Ca­loocan City.

Ayon kay De Lima, hindi muna maaaring ibun­yag ang pangalan ng nasabing suspek dahil na­ki­kiusap aniya ang National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni De Lima,  sa loob ng linggong ito ay mahuhuli na ang naturang salarin na nagmamay-ari ng baril na nakapatay kay Stephanie Nicole.

Anang kalihim, sa ngayon ay iniimbestiga­han pa ng NBI kung ang suspek na kanilang natukoy ay tutugma rin sa re­sulta ng awtopsiya ng NBI.

Kinumpirma din ni De Lima na mayroon na ring testimonya ang testigo na positibong nagtuturo sa salarin.

Samantala, sa halip na tulungan at kaawaan ay pi­nagbabantaan pa ang pa­milya ni Nicole.

Ayon sa tiyuhin ni Nicole na si Marvin Ella, noong Linggo ng gabi ay  may dalawang hindi kila­lang lalaki ang bumaba sa motorsiklo at dumiretso sa lamay ng kanyang pamangkin.

Bago umano umalis ay sinabihan  sila ng isa sa mga lalaki na mag-ingat sila saka sumakay sa mo­torsiklo na walang mga plaka.

Dahil sa natanggap na pagbabanta ay umapela sa pulisya ang pamilya Ella na bigyan sila ng proteksyon para sa kanilang seguridad.

Muling nanawagan ang ama ni Nicole na si Jay sa kanyang mga kapitbahay na tumulong at  huwag matakot na tumestigo para malutas ang kaso ng kanyang anak.

 

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

MARVIN ELLA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NICOLE ELLA

SHY

STEPHANIE NICOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with