^

Police Metro

PNP Chief: Quezon shootout ‘di rubout

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lehitimong shootout at hindi rubout tulad ng mga alegasyon ng mga kaanak ng 13 nasawi sa naganap na engkuwentro kamakalawa sa Brgy. Lumutan, Atimonan, Quezon.

Ito ang pinanindigan kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Alan Purisima na at patunay  nito ay nasugatan pa sa shootout ang isa nilang opisyal na si Supt. Hansel Manarantan ng Quezon Police.

Ginawa ni Purisima ang pahayag matapos na umal­ma ang mga kamag-anak ng mga nasawing suspek na nagsabing rubout umano ang pangyayari matapos na harangin sa checkpoint ang dalawang vehicle convoy ng kanilang mga mahal sa buhay na niratrat umano ng walang kalaban-laban.

Natukoy na kasamang nasawi si Supt. Alfredo Consemino, nakatalaga bilang Group Director ng Headquarters Support Service ng  Police Regional Office PRO-IV B (MIMAROPA); SPO1 Gruet Alinea Mantuano; Armando Lescano ng Philippine Air Force’s Air Education Trai­ning Command; PO1 Jeffrey Valdez; Victorino Siman Atienza Jr.; Jerry Siman; Con­rado Decillo; Victor Gon­zales; Jun Lontoc; Paul Teojilag; Jimbin Justiniani; Leonardo Marasigan at Staff Sergeant Maximo Pelayo na may ID ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

 

AIR EDUCATION TRAI

ALAN PURISIMA

ALFREDO CONSEMINO

ARMANDO LESCANO

CHIEF DIRECTOR GEN

GROUP DIRECTOR

GRUET ALINEA MANTUANO

HANSEL MANARANTAN

HEADQUARTERS SUPPORT SERVICE

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with