Ayaw ni Joker sa total gun ban

MANILA, Philippines - Ayaw ni Sen. Joker Arroyo sa pagsusulong ng total gun ban bagkus ay kinastigo nito ang kabiguan ng pulisya na ipatupad ang batas na naging sanhi ng pag-aamok ng isang lango sa droga na nakapatay ng 9 katao, kabilang ang isang buntis at pagkakasugat ng 9 na iba pa sa Kawit, Cavite.

 â€œYou know, every time there is a problem, the culprit is lack of legislation. But we forget the problem lies in enforcement. We have so many laws, but they are not enforced,” ayon kay Sen. Joker Arroyo.

Wika pa ni Sen. Arroyo hindi na kailangan ang bagong batas dahil may umiiral na gun control law na dapat ay ipinapatupad ng pulisya.

Hindi din pabor si Arroyo na ibalik ang parusang bitay sa mga karumal-dumal na krimen dahil hindi daw ito ang sagot sa pagsugpo ng krimen.

Maging si Senate Majority Leader Vicente Sotto III ay tutol din sa pagpapatupad ng total gun ban dahil hindi daw ito ang sagot sa pagsugpo ng krimen matapos mangyari ang Kawit shooting incident.

Show comments