‘Basura free’ sa pista ng Quiapo – EcoWaste

MANILA, Philippines -  Nanawagan ang  EcoWaste Coalition sa mga deboto ng  Itim na Nazareno  na iwasan ang pagkakalat kasabay ng paggunita ng  Pista ng  Quiapo sa Miyerkules.

Kahilingan ng EcoWaste na gawing “garbage-free” o “basura-free” ang okasyon lalo pa’t debosyon ang kaila­ngan na ipakita dito  ng mga deboto.

Ayon sa grupo, mayroon namang mga tamang lugar na tapunan ng basura at hindi sa kalsada na nakakadagdag pa ng balakid sa pagdaan ng prusisyon.

Noong nakalipas na pista ng Itim na Nazareno ay tone-toneladang basura ang naiiwan hindi lamang sa mga lansangang dinaanan ng Black Nazarene kundi mismo sa Quirino Grandstand kung saan isinagawa ang tradisyunal na vigil at pahalik sa Itim na Imahe.

Sinabi ng grupo, dapat na panatilihin ng mga deboto ang kalinisan  lalo na sa paligid ng Quiapo Church at mga lugar na daraanan ng prusisyon.

Show comments