‘Basura free’ sa pista ng Quiapo – EcoWaste
MANILA, Philippines - Nanawagan ang EcoWaste Coalition sa mga deboto ng Itim na Nazareno na iwasan ang pagkakalat kasabay ng paggunita ng Pista ng Quiapo sa Miyerkules.
Kahilingan ng EcoWaste na gawing “garbage-free†o “basura-free†ang okasyon lalo pa’t debosyon ang kailaÂngan na ipakita dito ng mga deboto.
Ayon sa grupo, mayroon namang mga tamang lugar na tapunan ng basura at hindi sa kalsada na nakakadagdag pa ng balakid sa pagdaan ng prusisyon.
Noong nakalipas na pista ng Itim na Nazareno ay tone-toneladang basura ang naiiwan hindi lamang sa mga lansangang dinaanan ng Black Nazarene kundi mismo sa Quirino Grandstand kung saan isinagawa ang tradisyunal na vigil at pahalik sa Itim na Imahe.
Sinabi ng grupo, dapat na panatilihin ng mga deboto ang kalinisan lalo na sa paligid ng Quiapo Church at mga lugar na daraanan ng prusisyon.
- Latest
- Trending