Pinasok at niratrat sa loob ng bahay… trader, kalihim pinatay

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng ginang at kanyang sekretarya nang sila ay pasukin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Laurel, Batangas kamakalawa ng umaga.

Ang dalawang biktima ay kinilalang sina Jocelyn Marquez, 35, may-ari ng Amanceline Harvester at ang sekretarya nitong si Aida Alimagno, 36 na kapwa residente ng Brgy. Ba­lakilong, Laurel, Bata­ngas.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng umaga nang puntahan ng helper na si Roy Salazar ang bahay ng amo at pagpasok niya sa tahanan ay nakita nitong nakabulagta si Alimagno.

Agad na humingi ng tulong at tumawag si Salazar sa iba pang kasama sa tra­baho at hinanap ang kanilang amo kung saan ay nakita rin duguan at wala ng buhay sa loob ng kanyang kuwarto.

Si Marquez ay nagta­mo ng tama ng bala sa kaliwang mata, kaliwang braso, kanang bahagi ng tiyan at balakang habang sa kanang tenga at kanang dibdib naman ang tumamang bala kay Alimagno.

Narekober sa crime scene ang maraming basyo ng bala ng kalibre 45 baril na ginamit sa kri­men ng hindi pa nakiki­kilalang salarin.

Inaalam pa ng pulis­ya kung may mga nawawa­lang gamit ang mga biktima upang mabatid kung pagnanakaw ang motibo ng krimen.

Show comments