Matapos sermunan… lola ginulpi ng apo, todas

MANILA, Philippines - Matapos sermunan ay walang kalunos-lunos na pinatay ang isang lola ng kanyang sariling apo makaraang gulpihin, pagpapaluin at pagnakawan pa sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Unidos sa bayan ng San Francisco, Cebu sa Camotes Island noong Biyernes ng umaga.

Ang biktimang lola ay kinilalang si Francisca Donaldo, 75 habang ang suspek na kanyang sari­ling apo ay si Florencio Do­naldo Jullisca, 34, na tumakas matapos gulpihin at mapatay ang matanda.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, magkasamang umiinom ng alak ang maglola nang sermunan ng matanda ang apong magsasaka.

Nagalit umano ang suspek at kinompronta ang kanyang lola kung saan nauwi sa matinding bangayan.

Sinasabing hindi na makapagtimpi ang suspek sa tinuran ng matanda kaya nagawang suntukin at pagpapaluin sa ulo hanggang sa mawalan ito ng malay at tuluyang ma­­matay. 

Ayon sa report, nagkalat ang mga ari-arian ng biktima kung saan na­wawala ang P2,000 cash na sinasabing tinangay ng suspek.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek at ma­panagot sa ginawang krimen.

Show comments