MANILA, Philippines - Utas ang 13 hinihinaÂlang ‘gun-for-hire’ makaÂraang makipagbarilan sa mga tauhan ng militar at Philippine National Police (PNP) sa isang inilatag na checkpoint sa kahabaan ng Maharlika highway boundary ng Plaridel at bayan ng Atimonan sa Quezon province, kahaÂpon ng hapon.
Ayon sa inisyal na ulat ng militar, ganap na alas-3:30 ng hapon nang mangyari ang putukan sa isang checkpoint sa Barangay TaÂnauan, Atimonan.
Ayon sa report, sakay ng dalawang Sports UtiÂlity Vehicle (SUVs) ang mga suspek at pinapahinto sa checkpoint, sa halip na sumunod ay humarurot ang mga ito saka pinaputukan ang mga awtoridad.
Gumanti ng putok ang mga pulis at sundalo at nagÂkaroon ng habulan hangÂgang sa masukol ang mga suspek pero hindi pa rin sumusuko na nagresulta ng kanilang kamatayan.
Isang opisyal ng PNP na kinilalang si P/Supt. Hansel M. Marantan ang sugatan sa naganap na shootÂout na ngayon ay ginagamot sa Lucena City Hospital dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan.
Sinasabing nakatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon na isang malaking sindikato mula Bicol ang magdaraan sa nasabing lugar na sakay ng SUVs kung kaya agad na isinagawa ang checkpoint.
Nang maispatan ang nasabing SUVs ay pinara ito pero sa halip na huminto ay agad na nagpaputok ang mga sakay ng nasabing sasakyan.