^

Police Metro

14 pulis sa Western Visayas sinibak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Labing-apat na pulis na nakatalaga sa Police Re­gional Office (PRO) 6 na sumasaklaw sa Western Visayas Region ang nadismis sa serbisyo habang lima ang na-demote ng ranggo bilang bahagi ng paglilinis sa mga scalawags sa hanay ng PNP.

Sa ipinalabas na year end report sa katatapos na taong 2012, sinabi ni PRO 6 Director Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., nasa 314 kasong administratibo rin ang naisampa laban sa mga pulis at 214 naman ang naresolba mula dito.

Ayon kay Cruz sa nasabing bilang ay 43 parak ang nasuspinde, 28 ang pinarusahan sa pamamagitan ng pagtatanggal sa suweldo, 19 ang na-reprimand at 11 ang tuluyang sinibak sa puwesto.

Binigyang diin ng opisyal na ang patuloy na paglilinis sa mga scalawags na sumisira sa imahe ng PNP ay nag­lalayong maibalik ang tiwala ng publiko sa kapulisan.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

AYON

BINIGYANG

CRUZ

DIRECTOR CHIEF SUPT

LABING

POLICE RE

WESTERN VISAYAS REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with