Sangla na DVD player tinubos ng dugo
MANILA, Philippines - Naging sanhi pa ng kamatayan ng isang 34-anyos na construction worker ang kanyang pagmamagandang loob sa pagtanggap niya ng sangla sa DVD player ng kapitbahay nang barilin siya nito matapos ang kanilang pagtatalo nang hindi pumayag ang una na tubusin na walang bayad ang isinangla kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Alexander Carlos Pastrana, no. 1320 Carlos P. Garcia St., Moriones, Tondo.
Ang suspek na pinagÂhahanap ng pulisÂya ay nakilalang si Manuel MaÂhinay Jr., may-asawa, jobless, ng Road 10 sa panulukan ng Moriones, Tondo.
Batay sa ulat, nagsangla ang suspek noong Oktubre 2012 ng DVD portable player sa biktima sa halagang P1,200.00 at makalipas umano ang ilang linggo, nagbalik si Mahinay upang kunin ng walang tubos ang DVD sa biktima kaya nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.
Kamakalawa ng alas 10:30 ng gabi ay sumulpot si Mahinay para sabihing balewalain na nila ang nakaraan nilang pag-aaway na pinaniwalaan naman ng biktima.
Nang pumasok sa bahay ang live-in ng biktima na si Aileen Villa at naiwan ang dalawa sa labas ng kanilang bahay nang makarinig ito ng putok ng baril at ng kanyang labasin ay nakita ang biktima na duguang nakahandusay.
- Latest