^

Police Metro

‘Parang demonyo siya nang gawin ang pamamaril!’

Pang-masa

MANILA, Philippines - “Parang demonyo siya noong gabing yun, napag-utusan lang ako na mag-reload ng bala sa cal. 45 pistol niya”.

Ito ang inihayag ng suspek na si John Paul Lopez, 27 anyos, residente ng Imus, Cavite, na sinamahan ng kaniyang pamilya sa pagsuko sa pulisya na itinuturong siyang nagkakarga ng mga bala sa baril na  ginamit sa pamamaril ng nag-amok  na si Rolando Bae sa Brgy. Tabon, 1, Kawit, Cavite na ikinasawi ng 9 katao kabilang ang isang buntis at pagkasugat ng 9 na iba pa nitong Biyernes.

Kabilang sa mga nasawi ay ang buntis na si Ria de Vera, anak nitong si Jan Monica de Vera, Micaela Caimol, 7; Abet Fernandez, 55; Boyet Toledo, Irene Funelas, Adoracion Cabrera, Al Drio at ang suspek na si Bae.

Patuloy namang ni­lalapatan ng lunas sa Saint Martin Hospital ang mga sugatang sina Jamerlyn Ayson, Emie Ilapan, Rick Aquipel, Emie  Aquipel at Raul Ravel; Tess Obinas sa Bautista Hospital; sina KC Caimol, Rachelle Caimol at Kevin Vallada; pawang sa Philippine General Hospital.

Si Lopez ay isang caretaker sa isang bahay sa Kawit na pinangyarihan ng paga-amok ng suspek na si Bae.

Ayon pa kay Lopez na humitit pa umano ng droga ang suspek noong Huwebes ng gabi matapos itong mag-inom na halos walang tulog bago isagawa ang pamamaril.

Isang radio interview ay humingi naman ng tawad ang misis ng suspek na si  Maria Elena Bae sa pamilya ng mga nasa­wing biktima sa nagawa ng kaniyang mister.

Inihayag ng ginang na mistulang bangungot ang pangyayari na hindi niya sukat akalaing magagawa ng kaniyang asawa na kinumpirma rin nitong nahuli niyang gumagamit ng droga para umano magpaliit ng tiyan.

Samantala, sinibak sa puwesto ni PNP Chief Director General Alan Purisima ang hepe ng Kawit Police na si Chief Inspector Joel Saliva at deputy nito na si C/Insp. Henry Salazar bunga ng insidente.

Kasabay nito, pinaiimbestigahan rin ni Purisima ang buong Kawit Police sa pagkukulang sa seguridad at mabagal na pagreresponde sa insidente kung saan siyam katao kabilang ang isang buntis ang nasawi, bago pa man mapatay si Bae nang manlaban sa arresting team ng pulisya. - Joy Cantos, Cristina Timbang -

 

ABET FERNANDEZ

ADORACION CABRERA

BAUTISTA HOSPITAL

BOYET TOLEDO

CAVITE

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CHIEF INSPECTOR JOEL SALIVA

CRISTINA TIMBANG

KAWIT POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with