^

Police Metro

Dahil sa pananakit at pera… Hapones ipinapatay ng misis

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil umano sa pera at pisikal na pananakit kung kaya’t nagawa ng isang Pinay na umupa ng hired killer upang todasin ang kanyang mister na Hapones kamakailan.

Ito ang lumalabas sa imbestigasyon ng pulis­ya matapos na maaresto ang misis na siyang utak sa pagpatay sa mister nitong si Hideo Niikura, 61-an­yos noong Dis­yembre 29 ng nakalipas na taon.

Ang mga naaresto ng operatiba ng PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa follow-up ope­ration sa Dasmariñas City, Cavite ay kinila­lang sina Merlinda Soria na kilala rin bilang Melinda Niikura (mi­sis ng biktima); Gabriel Soria; Mark Anthony Soria; Gil Brown Ilag at ang itinuturong gunman na si Arnold Marcos na pawang magkakamag-anak. 

Ang mga suspek ay nasakote nitong Biyernes ng umaga sa serye ng hot pursuit operations sa Brgy. Sto Niño at Poblacion ng lungsod sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay ng pagbaril at pagkakapatay kay Niikura.

Nakumpiska mula kay Marcos ang isang cal. 45 caspian pistol at isa ring cal .45 pistol mula naman kay Mark Anthony.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na si Merlinda ang nag-utos na paslangin ang kaniyang asawa dahilan umano sa usapin ng pera at uma­no’y pisikal nitong pang­aabuso sa kaniya.

Nabatid na sina Gabriel, Mark Anthony at kaibigan ng mga itong si Brown ang umupa ng hired killer na binayaran ng P 100,000 para pasla­ngin ang Hapones.

 

vuukle comment

ARNOLD MARCOS

GABRIEL SORIA

GIL BROWN ILAG

HAPONES

HIDEO NIIKURA

INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

MARK ANTHONY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with