Konsehal todas,bodyguard kritikal sa ambush
MANILA, Philippines - Isang City Councilor ang nasawi habang ang kanyang bodyguard ay nasa kritikal na kondisyon matapos silang pagbabarilin sa naganap na ambush kahapon sa kahabaan ng Barangay Concepcion, San Pablo City, Laguna.
Idineklarang dead-on-arrival sa ospital si incumbent City Councilor Edgardo Adayar, 55, habang ang kanyang security aide ay nakilalang si Rolando Leonardo, 40 nasa kritikal na kondisyon dahil sa tama ng mga bala sa ulo.
Ayon kay Chief Superintendent James Melad, Calabarzon police director, dakong alas-4:00 ng hapon ay hinarang ng dalawang lalaking suspek ang daraanan ng mga biktima at agad na sila ay pinagbabaril.
Nakarekober ang mga pulis ng iba’t ibang basyo ng bala na dinala na sa SOCO labs upang madetermina ang kalibreng baril na ginamit ng gunmen.
- Latest