^

Police Metro

Naghagis ng paputok patay sa saksak

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang isinusugod sa ospital ang biktimang si Mark Jason Acuna, 26, construction worker, matapos siyang saksakin ng isang lalaki na nagalit dahil sa paghagis nito ng paputok sa kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon sa Quezon City.

Agad nadakip ang suspek na nakilalang si Abraham Paez, alyas Bambam ng Riverside, Brgy. Commonwealth sa isinagawang follow-up operation.

Batay sa ulat, ganap na alas-11:45 ng gabi ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek sa may Kapalaran St., dahil sa inihagis na paputok ng una na sumabog malapit sa huli. Nauwi sa pagsusuntukan ang pagtatalo ng biktima at suspek na agad namang naawat ng kanilang mga kapitbahay. Habang naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay ay nasalubong nito ang suspek na nakahubad at may nakasukbit na patalim sa likuran at agad na ito ay pinagsasaksak sa katawan.

ABRAHAM PAEZ

BAGONG TAON

BAMBAM

BATAY

BRGY

HABANG

KAPALARAN ST.

MARK JASON ACUNA

NAMATAY

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with