^

Police Metro

PNP: Pagsalubong sa Bagong Taon mapayapa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagsalubong sa Bagong Taon ng 2013 sa buong bansa sa kabila ng marami ang naitalang nasugatan sa mga bawal na paputok at ligaw na bala.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Gene­roso Cerbo Jr.,wala ring naitalang mga malalaking insidente ng kriminalidad sa kasagsagan ng selebrasyon.

Binigyang diin ni Cerbo na naging mapa­yapa sa pangkalahatan ang isinagawang kampanya ng PNP sa pinalakas na crackdown kontra sa pagbebenta ng mga bawal na paputok.

Sa serye ng operasyon, ay umaabot sa mahigit 200 katao ang naaresto na nakumpiskahan ng mga ipinagbabawal na paputok sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mas matiwasay anya ang pagsalubong sa 2013 kumpara nitong nagdaang taon kung ang titingnan ay ang  sitwasyon ng peace and order.

Samantala, umpisa ngayong araw ay sisimulan na ng mga opisyal ng pulisya na tanggalan ng plaster ang dulo ng mga baril ng mga pulis upang mabatid kung may mga nasangkot sa indiscriminate firing o paggamit ng kanilang mga armas sa pagsalubong sa Bagong Taon.

AYON

BAGONG TAON

BINIGYANG

CERBO

CERBO JR.

PAGSALUBONG

PAPUTOK

SAMANTALA

SPOKESMAN CHIEF SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with