^

Police Metro

19 pa nasugatan… karambola sa kalye: 5 dedo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang 10-wheeler truck ang nawalan ng kontrol at  sumalpok sa apat na sasakyan na ikinasawi ng limang katao sa naganap na karambola sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat kahapon ng National Disaster Risk Re­duction and Management Council (NDRRMC) kinilala ang mga nasa­wi na sina Hardylyn Placencia; Apolinario Ubial, 39; Reuben Ukay, 24; Paulo Canduli, 24 at Rey Ragulasyun, 41.

Ang mga nasugatang biktima ay kinilalang sina Alexander Pialagao; Mona Pangcatan; Pacita Aguilar; Virginia Uypala; Millyn Rose Abello; Flordeliza Aninao; Janet Jumangin, Catalina Cajera; Maria Lisa Catalan, Rufo Abruqueno, Paaran Ramilas at iba pa.

Sa report na nakara­ting kahapon sa tanggapan ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos, bandang alas-6:00 ng gabi nang maganap ang aksi­dente sa Brgy. Puerto, Cagayan de Oro City nitong linggo kaugnay ng paghahanda ng mga biktima sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Nabatid na binangga ng 10 wheeler truck na patungong Brgy. Puerto Proper ang kasalubong na pampasaherong jeepney na sa kamalasan ay nada­may sa insidente ang iba pang behikulo sa lugar na kinabibila­ngan ng isang van, sports utility vehicle at isang motorsiklo.

Nabigo umano ang driver ng 10 wheeler truck na iwasan ang ka­salubong na jeepney dahilan sa bilis ng pangya­yari kaya’t nagkaroon ng karambola ng sasakyan sa lugar.

ALEXANDER PIALAGAO

APOLINARIO UBIAL

BAGONG TAON

BRGY

CATALINA CAJERA

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

FLORDELIZA ANINAO

HARDYLYN PLACENCIA

ORO CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with