^

Police Metro

Pay rules sa 2013 holiday sinilabas ng DOLE

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maagang inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga panuntunan hinggil sa pagbabayad ng sahod para sa regular at special holidays ngayong taong 2013.

Nag-isyu si Labor Sec­retary Rosalinda Bal­doz ng Labor Advisory No. 6 kung saan naka­saad ang ilang rules para sa pagbabayad ng ta­mang sweldo sa mga em­pleyado.

Alinsunod sa advi­sory, ang empleyado na pumasok sa traba­ho sa mga araw ng re­gu­lar holiday ay dapat na pagkalooban ng 200 porsiyento ng kan­yang regular salary para sa nasabing araw para sa unang walong oras at karagdagang 30 porsiyento para sa kan­yang hourly rate para sa trabahong lampas sa walong oras.

Kung natapat naman ang regular holiday sa araw ng pahinga ng em­pleyado at pumasok siya, dapat siyang bigyan ng 30% ng kanyang daily rate na 200%.

Para naman sa trabaho na lampas sa walong oras sa nasabing araw ay makakakuha pa siya ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate.

Nilinaw naman ni Baldoz na kung hindi nag­trabaho sa regular holiday ang isang empleyado ay entitled pa rin siya sa 100% ng kanyang sweldo para sa nasabing araw.

Kabilang sa mga re­gular holiday ang Enero 1 (Bagong Taon), Marso 28 (Huwebes Santo), Marso 29 (Biyernes San­to), Abril 9 (Araw ng Ka­gitingan), Mayo 1 (Araw ng Paggawa), Hunyo 12 (Araw ng Kalayaan), Agosto 26 (Araw ng mga Bayani), Nobyembre 30 (Bonifacio Day), Disyembre 25 (Pasko), Disyembre 30 (Rizal Day), Eid’l Fitr at Eidul Adha.

Kabilang sa mga spe­cial nonworking holidays ang Marso 30 (Sabado de Gloria), Agosto 21 (Ni­noy Aquino Day), Nob­yembre 1 (Araw ng mga Patay), Nobyembre 2 (Araw ng mga Kaluluwa), at Disyembre 31 (New Year’s Eve).

Sinabi naman ni Bal­doz na ipapatupad nila ang ‘no work, no pay’ policy para naman sa mga special nonworking holidays, subalit maliban na lamang kung may paborableng polisiya ang naturang kumpanya, practice o collective bar­gaining agreement (CBA) na nagbibigay ng bayad para sa nasabing espesyal na araw.

 

 

AGOSTO

AQUINO DAY

ARAW

BAGONG TAON

BIYERNES SAN

DISYEMBRE

MARSO

PARA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with