^

Police Metro

Sundalo sugatan sa sunog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang kagawad ng Phi­lippine Army ang na­­su­ga­tan sa naganap na sunog sa Ta­guig City, kahapon ng ma­da­ling-araw.

Kinilala ang nasuga­tang sundalo na si Sgt. Ro­deline Sobrapena na nagtamo ng lapnos sa kamay at braso nang tangkaing patayin ang apoy na ngayon ay ginagamot sa Army General Hospital.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-12:24 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy sa Administrative Building ng Supply and Support Command (ASCOM) ng Philippine Army sa loob ng Fort Bonifacio.

Dakong ala-1:40 ng madaling araw nang maa­pula ang naturang apoy pero natupok ang ilang opisina at mga kagamitan sa right wing ng naturang gusali. 

Pasado alas-9:00 na­man ng umaga nang su­miklab rin ang isang apoy sa isang pabrika na DIC Company, isang pagawaan ng pintura sa loob ng industrial area ng First Avenue, Bagumbayan, sa naturang lungsod. 

Nadamay pa sa sunog ang katabing bodega na pabrika ng tissue na Sanitary Care Products of Asia (SCPA).

Ayon kay Arson Investigator, Sr. Insp. Severino Sevilla, hepe ng Operations ng Taguig Fire Department, naitaas sa Task Force Charlie ang sunog at habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa ganap na naaapula ang apoy ngunit nakontrol na umano ito.

Sinabi ni Sevilla, posible umanong tumagal pa ng tatlong araw bago tuluyang maapula ang apoy sa loob ng pabrika dahil sa muling pagsiklab nito dulot ng mga pintura at iba pang kemikal na nakaimbak sa establisimi­yento. Aabot naman sa P20 milyon ang tinatayang naabo at nasira sa naturang sunog.

ADMINISTRATIVE BUILDING

ARMY GENERAL HOSPITAL

ARSON INVESTIGATOR

BUREAU OF FIRE PROTECTION

FIRST AVENUE

FORT BONIFACIO

PHILIPPINE ARMY

SANITARY CARE PRODUCTS OF ASIA

SEVERINO SEVILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with