^

Police Metro

Paputok, pailaw bawal sa LRT

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapasok ng anumang uri ng paputok o pailaw sa lahat ng istasyon ng Light Rail Transit 1 at 2 bago o matapos sumapit ang Bagong Taon.

Ito ang inihayag ni Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesman Atty. Hernando Cabrera at hindi itinitigil ang pagpapatupad ng “no inspection, no entry policy” sa lahat ng kanilang istasyon sa LRT Line 1 (Roosevelt-Baclaran) at Line 2 (Santolan-Recto) upang hindi makalusot ang anumang uri ng pampasabog kabilang na ang mga paputok at anumang uri ng armas. Sinabi ni Cabrera na hindi sila nagbababa ng alerto lalo na ngayong Kapaskuhan para maproteksyunan ang nasa 750,000 pasahero nila kada araw.  

Nanawagan rin ito sa kanilang mga mananakay na panatilihin ang pasensya at isailalim ang sarili sa inspeksyon para na rin sa kanilang kaligtasan.

 

 

vuukle comment

BAGONG TAON

CABRERA

HERNANDO CABRERA

KAPASKUHAN

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MAHIGPIT

NANAWAGAN

ROOSEVELT-BACLARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with