^

Police Metro

3 firms na nagpuslit ng agricultural products mula China kinasuhan sa DOJ

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasong anti-smug­gling ang isinampa ng Bu­reau of Customs sa De­partment of Justice laban sa tatlong kumpanya na nagpuslit ng mga agricultural products mula China na nagkakahalaga ng mahigit P12 milyon.

Ipinakita ni Customs Commissioner Ruffy  Biazon sa media ang mga dokumento sa pagsasampa ng kaso laban sa mga consignees ng  Rorumen Agricultural Products, Karyawan at Marbatan Enterprises.

Ang mga nasabing con­signess ay itinuturing umanong mga smuggler dahil ipinuslit nila ang mga imported na patatas at carrots na nagmula sa bansang China na una nilang idineklara na mga gamit sa kusina, subalit nang inspeksiyunin ng mga taga-BoC ay natuk­la­san na mga agricultural products.

Nabatid na aabot sa P12.5 milyon halaga ang mga nasabat ng mga tauhan ni Biazon kamakailan sa Manila International Container Port (MCIP) sa Maynila.

BIAZON

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY

IPINAKITA

KARYAWAN

KASONG

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

MARBATAN ENTERPRISES

MAYNILA

RORUMEN AGRICULTURAL PRODUCTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with