Pinay nars sa Yemen dinukot, nasagip
MANILA, Philippines - Pagkalipas ng dalawang oras ay nasagip ng mga otoridad ang isang 20-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho bilang nurse na dinukot sa Sanaa, Yemen.
Base sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang OFW na si Annie Jones, nurse sa isang government hospital sa Sanaa, ang pinakamalaking syudad sa Yemen.
Nabatid na agad na nagsagawa ng rescue operations ang Sanaa security services at matapos ang dalawang oras na pagtangay kay Jones ay matagumpay siyang nailigtas kasabay ng pagkaka-aresto sa dalawang abductors.
Si Jones ay puwersahang kinaladkad umano pasakay sa isang sasakyan ng dalawang armadong lalaki sa Hadda Street sa Sanaa noong Linggo.
Mabilis na natunton ng mga awtoridad ang Suzuki Vitara na get-away vehicle ng mga abductors sa isang highway sa Sanaa sanhi ng pagkakadakip sa mga kidnaper at pagkakasagip sa Pinay.
Nabatid na ito na ang ikalawang kaso ng kidnapping sa mga dayuhan matapos lamang ang 48-oras sa nasabing rehiyon.
- Latest