^

Police Metro

Paskong sunog: 7 patay 18 apartment sa QC,500 bahay sa San Juan…

Ricky Tulipat, Mer Lay­son - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang pagsalubong sa Pasko kahapon ng daang pamilya matapos na maganap ang magkahiwalay na sunog sa San Juan City at Quezon City na ikinasawi ng pitong mi­yembro ng pamilya.

Sa Quezon City,naiulat na pitong miyembro ng isang pamilya ang nasawi na kinilalang sina Corina Filamor, 55; Eva Filamor, 25; Carlos Filamor Jr., 20; Michael Andrei Fila­mor-Mutuc, at tatlo pang bangkay na patuloy na ki­nikilala.

Sa inisyal na ulat ng QC Bureau of Fire Protection, dakong alas-5:27 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Dr. Carlo Filamor na matatagpuan sa no 16 Rest Haven St., Brgy. Bungad, San Jose Del Monte sa lungsod.

Nabatid sa hindi pa ma­lamang kadahilanan ay bigla na lamang nagla­gablab ang  isa sa walong pin­tong apartment at ka­bi­lang sa nadamay ang ti­nu­tuluyan ng pamilya Filamor na mabilis na lu­maki at nada­may ang iba pang katabing apartment na pawang gawa sa light material.

Sinasabing may kalumaan na umano ang naturang apartment kung kaya mabilis na kumalat ang naturang apoy at sina­sabing na-trap ang mga biktima.

Sa kabuuan, may 18 apartment ang tuluyang nilamon ng apoy sa nasa­bing lugar dahilan para umabot ito sa Task Force Charlie at humigit isang oras bago ideklarang fire out ang sunog.

Tinitingnan ng mga otoridad kung faulty wiring ang dahilan ng sunog na ang danyos ay nasa P7 mil­yon.

Sa San Juan City ay umaabot sa 500 bahay ang natupok matapos na  masunog dakong alas-2:00 ng madaling-araw ang isang bahay na walang tao at mabilis na kuma­lat sa mga kadikit na bahay na gawa sa mga light materials na matatagpuan sa Mahinhin St., na uma­bot sa Matim­yas St., at Pinaglabanan, Brgy. St. Joseph.

Isang residente na nakilala sa alyas Boy Pricio, 50, ang nasu­gatan ma­tapos umanong madulas at mabagok, habang napilayan naman ang isang Jomar Madrona nang mahulog mula sa bu­bungan.

Mahigit dalawang oras ang nakalipas nang ideklarang fire under control ang sunog at bandang alas-7:00 naman bago ito tu­luyang idineklarang fire
out. Inaalam na ng arson investigators ang dahilan ng  sunog na  tinatayang P2.5
milyon ang halaga ang natupok na  ari-arian.

BOY PRICIO

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CARLOS FILAMOR JR.

CORINA FILAMOR

DR. CARLO FILAMOR

EVA FILAMOR

JOMAR MADRONA

MAHINHIN ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with