^

Police Metro

P44-M blood money hiling ngayong Pasko… OFW na bibitayin sa Saudi

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nananawagan si Vice President Jejomar Binay sa may magagandang kalooban na tulungan ngayong Kapaskuhan ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nangangaila­ngan ng P44 milyong blood money upang masagip siya sa bitay sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Binay, ang pagiging likas na mapagbigay ng mga Pinoy lalo na ngayong Kapaskuhan na panahon ng pagbibigayan ay magiging daan upang mailigtas sa kamatayan ang kababayang si Joselito Zapanta, 33-anyos, ang OFW na binigyan lamang ng ta­ning ng hanggang Marso 2013 upang  maipasa sa pamilya ng kanyang napatay ang nasabing blood money.

Sinabi ni Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on OFW Concerns na nitong nakalipas na linggo ay isang “Good Samaritan” ang nag-donate ng halagang P1 milyon para sa pondo (blood money) habang nag-ambag-ambag ang 400 pamilya ng mga OFWs sa isang Christmas party na inorganisa ng Blas F. Ople Center sa pamumuno ni Susan Ople bilang tulong para sa nililikom na blood money

Aniya, maging ang lokal na pamahalaan ng Pampanga ay gumagawa rin ng nasabi ring “fund drive” para kay Zapanta na tubong Bacolor, Pampanga.

Nabatid na isang mahirap na pamilya lamang si Zapanta kung saan ang 50-anyos na ina nito ay isang housewife na may iniinda pang sakit habang ang ama ay part-time na karpinteryo. Ang pamahalaan ay naglaan na ng P4 milyon bilang ambag para sa blood money ni Zapanta na idineposito ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa Saudi Arabia kasama na ang P1 milyon na donasyon ng isang indibiduwal. 

Si Zapanta na nagtungo sa Saudi noong 2007 ay nahatulan ng bitay matapos na mapatay nito ang kanyang Sudanese landlord matapos ang isang mainitang pagtatalo noong 2009.

BINAY

BLAS F

GOOD SAMARITAN

ISANG

JOSELITO ZAPANTA

KAPASKUHAN

OPLE CENTER

OVERSEAS FILIPINO WORKER

SAUDI ARABIA

ZAPANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with