^

Police Metro

3 tinutukan ng baril ng isang ‘pulis’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlo na katao kabilang ang dalawang bata na sakay ng isang kotse ang tinutukan ng baril ng isang lalaki na nagpakilalang pulis matapos magkaroon ng gitgitan sa kahabaan ng Molino Road, Bacoor City, Cavite kamakalawa.

Sa reklamong inihain na itinago sa alyas Sherwin, nasa hustong gulang sa himpilan ng Bacoor Police, bandang alas-8:15 ng umaga habang minamaneho niya ang Honda Civic kasama ang dalawang kaanak at binabaybay ang kahabaan ng nasabing lugar para ihatid ang isang 7-anyos at isang binatil­yo  sa kanilang Christmas party.

Nang papaliko ay hinarang at ginitgit sila ng dalawang beses ng isang Ford Lynz 4DR Sedan (WPP 647)  na sinasakyan ng suspek.

Hindi pa nakuntento ay bumaba ang suspek sa behikulo at nagpakilalang pulis sabay naglabas ng baril at tinutukan ang mga sakay ng kotse at pilit pa umanong kinukuha ang lisensya kay Sherwin.

Sa isinagawang beri­pi­kasyon sa LTO ay natukoy naman na ang nasabing behikulo ay nakapangalan sa Kenneth Aquamarine Products Inc  na may address na 5856 Pelaez St.,  San Dionisio, Parañaque City.

Sa kasalukuyang, tinu­tugis na ng pulisya ang nasabing suspek.

 

vuukle comment

BACOOR CITY

BACOOR POLICE

CAVITE

FORD LYNZ

HONDA CIVIC

KENNETH AQUAMARINE PRODUCTS INC

MOLINO ROAD

PELAEZ ST.

SAN DIONISIO

SHERWIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with