^

Police Metro

Mga plywood na galing China nasabat

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rosano “Ruffy” Biazon ang mga puslit na imported na plywood na nagkakahalaga ng mahigit sa isang milyong piso sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila.

Base sa  ulat na natang­gap ni Biazon, unang idi­nek­larang “particle board” ang mga nasabing kontrabando na nakalagay sa loob ng dalawang forty-footer container vans.

Naghinala ang mga ope­ratiba ng BoC kaya’t kanila itong ininspeksyon at dito na nadiskubre ang napakara­ming plywood na nagmula sa Shandong, China na nagkakahalaga ng P1.6 milyon.

Nabatid na tinangkang ipuslit ang nabanggit na mga kontrabando sa bansa, subalit nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad mula sa kanilang mga impormante na papasok sa Pilipinas ang nabanggit na mga kontrabando.

 

vuukle comment

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER ROSANO

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

MAYNILA

NABATID

NAGHINALA

NASABAT

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with