^

Police Metro

Ginang inutas ng kuya dahil sa lupa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang kuya ang kanyang nakababa­tang kapatid na babae matapos na magtalo sa kanilang minanang lupain kamakalawa ng hapon sa Bayugan City, Agusan del Sur.

Ang nasawi ay naki­lalang si Rosita Tumaquin, 42-anyos, may-asawa at residente ng nasa­bing lugar matapos na magtamo ng maraming taga sa katawan.

Ang suspek na tuma­kas ay nakilalang si Be­­ben­ciolo Tumaquin, 54-anyos, may-asawa.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen bandang alas-4:00 ng hapon sa Purok 4, Brgy. Grace State, Bayugan City, Agusan del Sur ay muling nagtalo ang magkapatid dahilan sa alitan sa lupa na pamana ng kanilang mga magulang. 

Matapos pagtatagain ang ginang ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

vuukle comment

AGUSAN

BATAY

BAYUGAN CITY

BRGY

GRACE STATE

MATAPOS

PINAGTATAGA

PUROK

ROSITA TUMAQUIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with