^

Police Metro

3 holdaper ng meat shop napatay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad ang tatlong holdaper na responsable sa panghoholdap sa isang sangay ng Monterey meat shop  noong Martes matapos manlaban ang mga ito habang inaaresto sa isinagawang follow-up operation kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay nakilala sa pamamagitan ng nakuhang identification card sa kanilang katawan ay sina Delfin Benitez; Mike Juval; at Daniel Caranto.

Sa pagsisiyasat, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang engkwentro sa kahabaan ng Antoniette St., kanto ng Evangeline St., Parkway Village, Brgy. Apolonio.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Mario O. Dela Vega, bago ang shootout ay una nilang naaresto ang isa sa mga kasamahan nitong si Or­lando Manuel Jr., 44, ma­tapos nilang matukoy na ito ang driver ng ginamit na get away vehicle na taxi sa panghoholdap nila sa Monterey meat shop sa may Mindanao Avenue  noong Martes ng gabi.

Nabatid na naplakahan ng empleyado ng meat shop ang taxi na ginamit ng mga suspek na Lady Christensen (TXJ-788) sa panghohol­dap kaya’t nagsagawa ng beripikasyon ang tropa ng PS3 at natukoy na ang may-ari ay ang isang Camilo Obaña na naninirahan sa may no. 24 Celosia St., Macia IV, Sauyo sa lungsod.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang tropa sa bahay ni Obaña at nalaman mula dito na ang taxi ay pinapasada ni Manuel na naninirahan sa no. 2 Josephine St., Brgy. Apolonio Samson sa lungsod at naaresto ito.

Ginamit ng mga pulis si Manuel para kontakin ang mga kasama at magkita sa may Parkway Village, Brgy. Apolonio Samson.

Kasama si Manuel ng mga operatiba sakay ng isang taxi ay dumating ang mga suspek sa naturang lugar at habang papalapit sa taxi ay lumabas si Senior Insp. Fortunato at nagpakilalang pulis.

Mula dito ay naalarma ang mga suspek sabay bunot ng kanilang mga baril at paputukan ang mga otoridad na nauwi sa engkwentro at namatay ang mga una.

 

vuukle comment

ANTONIETTE ST.

APOLONIO SAMSON

BRGY

CAMILO OBA

CELOSIA ST.

DANIEL CARANTO

DELA VEGA

MANUEL

PARKWAY VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with