^

Police Metro

Programang BRO sa Isabela matagumpay

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patuloy ang pag-ani ng tagumpay ang programang BRO sa agrikultura ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na isang hakbang para lalong magsipag ang mga magsasaka na isang pakinabang hindi lang sa probinsiya kundi maging sa buong bansa.

Sinabi Governor Faustino ‘Bojie’ Dy III, mahigit sa isandaang libo ang nakikinabang sa BRO Agriculture program at ito ay ang mga magsasaka na dumaranas ng ibayong hirap sa tindi ng init ng araw,
perwisyong dulot ng ulan, pagbaha at mababang presyo ng mga aning pananim.

Sa ilalim ng BRO Agri­culture program, naglaan ang lalawigan ng 200 mil­yong piso na pondo para ma­kumpleto ang siyam na pakete ng benepisyo
na kailangang-kailangan ng mga magsasaka.

Ang BRO Agriculture program ay kinapapalooban ng Livelihood assistance for marginalized farmers, ayuda sa presyo, pantawid pamasahe program, pa­ni­guro sa pananim or crop insurance, college scho­larship for sons and daugh­ters of small far­mers, pro­vincial healthcare coverage, Philhealth benefits, life insurance at social security coverage.

Ang probinsiya ng Isa­bela ang numero uno sa rice and corn production kung saan nagkamit sila ng karangalan bilang Regional Gawad Saka Award at nag-iisang probinsiya sa Region 2 na nakapasok sa Top 10 provinces na may pinakamalaking produksyon ng palay at mais.

AGRI

BOJIE

BRO

ISA

ISABELA

PATULOY

PHILHEALTH

REGIONAL GAWAD SAKA AWARD

SHY

SINABI GOVERNOR FAUSTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with