Padyak boy, dinedo sa pila
MANILA, Philippines - Dinedo ang isang padyak boy makaraang pagsasaksakin ng isang pedicab driver na nagalit sa kanya nang sumingit ito sa pila sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Harold Layson, 18, nakatira sa Temporary Housing, Tondo, Maynila.
Nakilala naman ang tumakas na suspek na si Aljon Manamba, nasa hustong gulang, ng Tumana, North Bay Boulevard South, Navotas.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-6:00 ng umaga sa pila ng pedicab sa Lapu-Lapu St., sa Lungsod.
Matiyaga umanong nakapila ang biktima nang singitan ng suspek nang ito na ang pipikap ng pasahero.
Dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa mauwi sa suntukan. Ngunit sadyang hindi palalamang si Manamba na nagbunot ng patalim at pinagsasaksak ang biktima saka mabilis na tumakas.
- Latest
- Trending