^

Police Metro

Ji suicide bomber napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Malaysian national na pinaghihinalaang suicide bomber ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na nagtangka umanong mag­pasabog ng bomba sa isang hotel sa Davao City ang napatay ng isang sniper ng Special Weapon and Tactics (SWAT), kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Davao City Police Director P/Sr. Supt. Ronald dela Rosa ang napatay na suspek na si Mohd Noor Fikrie Bin Abd Kahar habang nadakip naman ng mga awtoridad ang misis nito na isang Pinay na si Annabelle Nieva Lee, tubong Sorsogon, sa Bicol.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa sentro ng dibdib, tagiliran, ibabaw ng ari at kanang kamay ang napatay na suicide bomber.

Ayon kay dela Rosa, nasilat ang planong pambobomba at paghahasik ng takot at sindak ni Kahar sa lungsod.

Sinabi ni dela Rosa, nakatanggap sila ng impormasyon na nag-check-in dakong alas-7:00 ng gabi ang mag-asawa sa Sam­paguita Hotel na matatagpuan sa panulukan ng Camus at Quirino Street sa lungsod kaya agad na kumilos ang pulisya na bina-backup ng Task Force Davao ng Phil Army sa ilalim ng super­bisyon ni Col. Jerry Besana.

Sinasabing papalabas ng Hotel ang mga-asawa bandang alas-10:30 ng gabi kung saan inaabangan sila ng mga awtoridad para ares­tuhin pero sa halip na sumuko ay ma­bilis na tumakbo at nagsabing “If you arrest or shoot me, I have a  bomb, I will explode it” na siyang nagbusod para barilin ng nakatagong sniper.

Narekober mula sa napaslang na JI ang isang bomba na gawa sa 60 MM mortar na matagumpay namang nai-detonate ng security forces.

 

vuukle comment

ANNABELLE NIEVA LEE

DAVAO CITY

DAVAO CITY POLICE DIRECTOR P

ISANG MALAYSIAN

JEMAAH ISLAMIYAH

JERRY BESANA

MOHD NOOR FIKRIE BIN ABD KAHAR

PHIL ARMY

QUIRINO STREET

SPECIAL WEAPON AND TACTICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with