^

Police Metro

Obrero nahulog sa bubong, dedbol

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang 23-anyos na obrero matapos na mabagok ang ulo nito nang mahulog sa bubungan na may 8 talam­pakan ang taas habang nag­kukumpuni kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si John Paul Sese, 23, stay-in sa construction site na matatagpuan malapit sa GMA 7, partikular sa South Avenue, Brgy. Sacred Heart.

Batay sa ulat, bago naganap ang aksidente pasado alas-9:35 ng umaga ay inaayos ng biktima at ibang mga kasama ang kanilang barracks sa bubungan bilang pahingahan sa sanda­ling simulan na ang pagtatayo ng istraktura sa nasabing lugar.

Habang inaayos ay big­lang bumigay ang tinutuntungan nito dahilan para mawalan ng balanse at mahulog ang biktima na una ang ulo na bumagsak sa ibaba.

Agad itinakbo ang biktima ng mga kasamahan sa East Avenue Medical Center, subalit namatay din ito habang ginagamot.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HABANG

JOHN PAUL SESE

NAMATAY

QUEZON CITY

SACRED HEART

SHY

SOUTH AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with