^

Police Metro

2 ridertumalsik sa motor,dedbol

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang dalawang sakay nang tu­malsik  sila matapos sumalpok sa gutter ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa tabi ng highway sa Alijis Road, Bacolod City kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Nikki Pacantang, 22 at Romeo Cuba, 28; pawang residente ng St. Vincent Subdivision, Brgy. Alijis ng lungsod na ito.

Batay sa ulat, bandang ala-1:00 ng madaling-araw ay mabilis na tinatahak ng mga biktima ang nasabing highway pauwi sa kanilang bahay nang sumalpok sa gutter sa tabi ng highway ang motorsiklong sina­sak­yan.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang da­lawa at nabagok ang ulo sa pagbagsak sa kalsada

Nabatid na wala uma­nong suot na helmet ang dalawa at umano ay nasa impluwen­siya ng alak nang maganap ang aksidente.

 

vuukle comment

ALIJIS

ALIJIS ROAD

BACOLOD CITY

BATAY

BRGY

NABATID

NAMATAY

NIKKI PACANTANG

ROMEO CUBA

ST. VINCENT SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with