^

Police Metro

Army Corporal inaresto sa pagpuslit ng mga baril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Army Corporal ang dinakip ng mga oto­ridad matapos itong mahulihan ng mga baril na walang lisensya na ibibiyahe sa Mindanao sa isinagawang operasyon sa Pier 1 ng Cebu City ka­makalawa ng gabi.

Ang nasakoteng sus­pek ay nakilalang si Corporal Richard Francilizo, 37, nakatalaga sa Panay Island.

Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi nang humingi ng tulong ang mga security guard sa pantalan matapos na madiskubreng may mga dalang armas ang suspek.

Nang halungkatin ang dalang bag ng suspek ay  nasamsam ang anim na cal. 45 pistol at isang .357 revolver na nakuha mula sa bag nito.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na galing sa Danao City ang nasabing mga armas na ibibiyahe sa Mindanao at idadaan sa Dumaguete City.

BATAY

CEBU CITY

CORPORAL RICHARD FRANCILIZO

DANAO CITY

DUMAGUETE CITY

ISANG ARMY CORPORAL

LUMILITAW

MINDANAO

NANG

PANAY ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with