Jeep sumalpok sa poste: 1 pasahero patay, 22 sugatan

MANILA, Philippines - Isang pasahero ang na­sawi habang 22 ang na­­su­gatan matapos ang sina­­­sakyan nilang jeep ay sumalpok sa poste ng kur­yente bago ito buma­liktad kamakalawa ng gabi sa Ma­rikina City.

Nasawi ang pasaherong si Patricio Lopez, 46, resi­dente ng Rizal Street, Brgy. Concepcion Uno, ng natu­rang lungsod. 

Habang dinala sa Amang Rodriguez Medical Center ang driver ng jeep na si Ken Medina Bautista at 21 pa nitong pasahero.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi ay mabilis na tinatahak ng jeep (NXH-331) na minamaneho ni Bautista ang kahabaan ng Rizal Street, Brgy. Con­cepcion Uno nang tangkain nitong unahan ang isang behikulo na naging dahilan para mawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa isang poste ng kuryente sanhi upang sumirko at tu­maob ito. 

Nasawi dakong alas-3:00 kahapon ng ma­daling-araw sa loob ng na­sabing ospital si Lopez dahil sa ma­tinding pinsala sa ulo. 

Nabatid naman sa mga residente ng lungsod na lubha talagang napakabibilis ng pagpapatakbo ng mga driver ng jeep lalo na sa mga tinatawag nilang “patok” partikular na kung madaling-araw.

Show comments