Lolo binaril sa ulo, dedo
MANILA, Philippines - Dedo ang isang lolo makaraang malapitang barilin sa ulo ng dalawang hindi pa kilalang riding-in-tandem sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay kinilalang si Banjamin Gabriel, 66, may-asawa na nakatira sa #27 San Roque St., Brgy. Bagumbayan sa lungsod.
Sa ulat ni PO2 Rhic Roldan Pitong, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa San Roque St., ng nasabing barangay ganap na alas-6:45 ng gabi.
Ayon kay Eugene Gabriel, pamangkin ng biktima, dalawang lalaki na sakay ng isang motrosiklo ang sinasabing lumapit at bumaril sa biktima at mabilis na tumakas matapos ang krimen.
Naisugod pa sa Quezon Memorial Medical Center ang biktima pero idineklara ng mga doktor na dead on arrival ito.
- Latest