^

Police Metro

Datos ng SMI, makatutulong laban sa kalamidad

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinabi ng isang eks­perto sa water resources engineering, hydrolo­gical environments at climate conditions na magagamit ng local go­vernment units (LGUs) ang datos na na­tipon ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI) para sa environmental impact assessment nito para sa mga estratehiya kung paano mapipigilan ang kalamidad sa mga komunidad.

“Ang limang taong rainfall pattern ay maaaring gamitin para mapigil ang pagbaha at gayundin ang mga kalamidad sanhi ng weather disturbances”, ayon kay Dr. Roy Soriano.

Binanggit din ni Soriano na pangunahing susi rin para sa mga estratehiya laban sa kalamidad ang rainfall pattern data na tinipon naman ng isang malaking agro-industrial multinational company sa South Cotabato.

“Maaaring aktuwal na makipagtulungan ang LGUs sa mga kompanyang ito sa South Cotabato para hilingin ang mga natipong datos,” sabi ni Soriano na nasangkot sa mga proyektong pagtasa sa mga pagbaha, disenyo sa paggamit ng tubig at analisis sa mga pag-ulan sa Tumaga River Basin sa Zamboanga, Lipadas River basin sa Davao del Sur at Silway-Popong-Sinsual watershed sa South Cotabato.

Sinabi pa ng eksperto na ang  automatic weather stations (AWS) na inilagay ng  SMI ay napakaepektibo at estratehikong pagkukunan ng datos sa panahon at susi para mapangasiwaan ang mga kalamidad.

 

 

BINANGGIT

DAVAO

DR. ROY SORIANO

LIPADAS RIVER

SAGITTARIUS MINES

SINABI

SORIANO

SOUTH COTABATO

TUMAGA RIVER BASIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with