^

Police Metro

Mga puslit na parte ng mga baril nasabat

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang 20 parte ng malalakas na de kalibreng mga baril na balak ipuslit sa pamamagitan nang pagdeklara na mga imported chocolate at  lumang aklat sa Central Mailing Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Iprinisinta kahapon ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rosano “Ruffy” Biazon sa mga media ang  20 pirasong  smuggled gun parts, na nagmula sa Florida, United State of America (USA) matapos itong masakote nina Assistant Chief Legal and Investigation Customs police Byron Carbonell, ng BoC Task Force React  at Special Agent Alfredo Ante Jr. sa CMEC, ng nabanggit na lungsod.

Base sa report, ang naturang kontrabando ay naunang idineklarang Hershey chocolate bars at mga used books, na ang consignee ay isang Ms. Jaydi Miranda, 42, ng Viola St., Santa Rita, Bulacan.

Ang naturang parcel ay dumating sa CMEC ay noong November 29, 2012 at nang suriin ni Customs examiner Ibrahim Boloto ay napakabigat, kung kaya’t nagduda ang mga tauhan ni Biazon at nadiskubre na hindi pala tsokolate ang laman kundi  mga  parte ng malalakas na de-kalibre mga baril tulad ng barrel na 7.62mm para sa 14 tactical rifle na nagkakahalaga ng P30,000.00.

vuukle comment

ASSISTANT CHIEF LEGAL AND INVESTIGATION CUSTOMS

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

BYRON CARBONELL

CENTRAL MAILING EXCHANGE CENTER

COMMISSIONER ROSANO

IBRAHIM BOLOTO

MS. JAYDI MIRANDA

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with