^

Police Metro

Truck bawal na sa EDSA

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang kahit bahagya ay makatulong sa pagpapaluwag sa daily ng trapiko sa kahabaan ng EDSA ay inumpisahan na kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng “total truck ban” .

Nilinaw ni MMDA Chairman Francis Tolentino na wala nang “window hours” na ipinatutupad sila sa buong EDSA sa buong linggo mula Lunes hanggang Linggo.

Bahagi umano ang total truck ban sa EDSA ng “modified truck ban” na inaprubahan ng Special Traffic Committee ng Metro Manila Council noong Disyembre 3.

Kaya’t pansamantalang hindi muna ipatutupad mula Disyembre 7 hanggang Enero 6, 2013 ang lumang truck ban na pinapayagan ang mga truck na makaraan ng EDSA mula alas-9:00  ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga.

Hindi naman kabilang sa truck ban sa EDSA ang mga truck na may lulang mga produktong nasisira o napapanis tulad ng pagkain, gulay, prutas at iba pa.

vuukle comment

BAHAGI

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DISYEMBRE

ENERO

KAYA

LINGGO

METRO MANILA COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NILINAW

SPECIAL TRAFFIC COMMITTEE

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with