Solons iniwanan ang sesyon para sa laban ni Pacman
MANILA, Philippines - Iniwanan ng ilang kongresista ang sesyon sa Kamara upang makapanood ang mga ito ng laban ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa Estados Unidos sa darating na Linggo.
Ayon kay Manila Rep. Amado Bagatsing, chairman ng House Committee on Games and Amusement may ilang mambabatas na ang bibiyahe patungong US simula ngayong Biyernes para makahabol sa laban nina Pacquiao at Mexican boxer Juan Manuel Marquez.
Tumanggi naman pangalanan ni Bagatsing ang mga kongresistang sa gitna na rin ng mahigpit na bilin ng liderato ng Kamara na pumasok sa plenaryo at dumalo sa sesyon.
Ayon naman kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., mayroong 16 na kongresista ang binigyan niya ng travel authority papuntang US, pero hindi umano nito alam kung manonood ang mga ito ng laban ni Pacquiao.
- Latest