^

Police Metro

Proteksyon sa mga OFWs sa Malaysia, ipapatupad

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa unang buwan ng susunod na taon ay nakatakda nang ipatupad ng pamahalaan ang Household Service Workers (HSWs) reform package program na siyang magbibigay ng proteksiyon sa lahat ng manggagawang Pinoy na nais magtungo at magtrabaho sa bansang Malaysia.

Tiniyak naman ni Salvador “Buddy” Curameng, pangulo ng Philippine Association of Manpower Agencies for Malaysia Affiliates (PAMAMA), na susunod sila sa polisiya ng pamahalaan o sa RA 10022 at sa POEA Implementing Guidelines na No Placement Fee, No Salary Deduction at pagbibigay ng minimum na 400 US dollar monthly salary sa mga HSWs.

Ayon kay Curameng, ang sinumang recruitment o deployment agency na lalabag sa HSWs reform package program ay pagmumultahin at kakanselahin ng DOLE at POEA ang kanilang mga lisensiya.

Siniguro rin niya na mahigpit na babanta­yan ng PAMAMA at ng kanilang counterparts sa Malaysia sa pamumuno ni Dato Raja Zulkepley,
presidente ng Malaysia National Association of Employment Agency, ang implementasyon ng HSWs reform package program.

Nagkaroon na ng Me­morandum of Agreement (MOA) signing kamakailan ang grupo ni Curameng at Zulkepley para sa mahigpit na pagpapatupad HSWs reform package program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

 

CURAMENG

DATO RAJA ZULKEPLEY

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

HOUSEHOLD SERVICE WORKERS

IMPLEMENTING GUIDELINES

MALAYSIA AFFILIATES

MALAYSIA NATIONAL ASSOCIATION OF EMPLOYMENT AGENCY

NO PLACEMENT FEE

NO SALARY DEDUCTION

PHILIPPINE ASSOCIATION OF MANPOWER AGENCIES

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with