^

Police Metro

Sa harap ng campus… 3 FEU student pinagbabaril

Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng nag-iisang lalaki ang tatlong estudyante ng Far Eastern University (FEU) habang tumatawid sa tapat ng kanilang eskwe­lahan kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, May­­nila.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa University of Sto. Tomas (UST) Hospital si Gerald Martin Ramos, 21, fine arts student at residente ng no. 540 Juan Luna St., Binondo, Maynila dahil sa tama ng bala sa  kanang bahagi  ng dibdib at leeg.

Binawian ng buhay dakong alas-10:25 ng gabi si Paolo Nepo­muceno, 17, ng no. 350 Jhocson St., Sampaloc, Maynila matapos isailalim sa surgical operation dahil sa tinamong tama ng bala sa  dibdib, leeg at likod.

Si Nepomuceno ay anak ng isang pulis-May­nila na nakatalaga sa SWAT.

Habang malubhang nasugatan at ginagamot sa Mary Chiles Hospital ang ikatlong biktima na si Adrian Joseph Santiago, 17, ng no. 415 Poblacion, Baliuag, Bulacan.

Nabatid na ang tatlong biktima ay pawang mga miyembro ng FEU-Green Bison cheer drummers ng kanilang eskwe­lahan.

Ang suspek ay inilara­wan na may taas na 5’4”- 5’6”,  mahaba ang  buhok, katamtaman ang panga­ngatawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:45 ng gabi ay kalalabas lang ng mga biktima sa kanilang campus at pa­punta na sana sa gymnasium sa R. Papa  malapit sa Nicanor Reyes Sts., Sampaloc.

Habang papatawid ang mga ito ay sinalubong sila ng suspek at sunud-sunod na pinaputukan.

Samantala, may nakuhang kopya ang pulisya ng closed circuit television (CCTV)subalit malabo umano ito kaya nanga­ngalap pa ng iba pang kuha ng CCTV sa kalapit na mga establisyemento para makilala ang salarin.

ADRIAN JOSEPH SANTIAGO

FAR EASTERN UNIVERSITY

GERALD MARTIN RAMOS

GREEN BISON

HABANG

JHOCSON ST.

JUAN LUNA ST.

MARY CHILES HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with