^

Police Metro

Shootout: 5 carjacker utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippine s - Napatay sa isang shoot­out ang 4 lalaki at isang babae na pi­nag­hihinalaang notoryus na miyembro ng big time carjacking gang na nakabase sa Cordillera Region matapos na masabat at ma­kipagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya ka­makalawa sa Gerona, Tarlac.

Sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Gerona Police, bandang alas- 4:00 ng madaling-araw kaha­pon nang makatanggap ang pulisya ng ulat hinggil sa mga armado at kahinahinalang kalalakihan na puwersahang pinabubuksan ang gate ng isang farm na pag-aari ng isang mayamang negosyante sa Brgy. Danzo, Gerona.

Sinabi ni Zafra na nag­responde ang patrol team ng pulisya sa nasabing lugar at nang  papalapit pa lamang ang mga otoridad sa lugar ay sinalubong na sila ng putok ng mga baril ng mga suspek.

Sa kasagsagan ng putukan, isa isang bumulagta ang mga suspek at  narekober ang dalawang cal. 45 revolver, dalawang cal. 38 revolver at isang MK II fragmentation grenade na nabigong pasabugin ng mga carjackers.

Tatlo sa limang napatay na suspek ay kinila­lang sina Roger Gorospe, Dexter Magadang at Rey Alonzo Banawa.

Bago ito noong Sabado ng hatinggabi ay kinarjack ng mga suspek sa Baguio City ang Toyota Innova (NDO-933) na minamaneho ni Roldan Ymson, 67-anyos na hinostage pa ng mga ito sa pagtakas patungong katimugang direksyon na ang bangkay ay narekober ng pulisya sa Pozzurubio, Pangasinan.

 

BAGUIO CITY

CORDILLERA REGION

DEXTER MAGADANG

GERONA

GERONA POLICE

PONCIANO ZAFRA

REY ALONZO BANAWA

ROGER GOROSPE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with