^

Police Metro

PI sa kaso ni San Pedro, isinalang na

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isinalang na sa Preliminary Investigation (PI) ng Office of the Ombudsman ang limang kaso ng graft and corruption na kinakaharap ni Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro.

Napag-alaman na noong Pebrero 20, 2012 ay isinampa ang kaso na may kinalaman sa umano’y kuwestiyunableng proyekto ng pamahalaang lungsod na bilyon piso umano ang halaga.

Sa 90-pahinang complaint affidavit ni Abel Samabat, dating chairman ng bids and awards committee ng lungsod, nakasaad ang umano’y overpricing, hindi dumaan sa bidding, ilang “ghost project” at ilang malapit na kaanak at kaibigan nito ang nakapasok at humawak sa mga kontrata ng ilang proyekto ng city hall, na isa umanong paglabag sa batas.

Ayon kay Samabat, sa kabila na hindi rin umano inaprubahan ng Commission on Audit (COA) ay naipatupad umano ang proyekto. 

Inatasan na ng Ombudsman ang kampo ng alkalde na sagutin ang akusasyon laban sa kanya.

ABEL SAMABAT

AYON

INATASAN

ISINALANG

MUNTINLUPA CITY MAYOR ALDRIN SAN PEDRO

NAPAG

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PEBRERO

PRELIMINARY INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with