^

Police Metro

Dahil sa nakakasilaw na headlights… 3 empleyado ng DPWH dinedo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang tatlong empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) habang apat pa ang nasugatan matapos umanong magalit ang hindi pa kilalang salarin na sinasabing nasilaw sa head lights sa sasakyan ng mga biktima sa Mulanay, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Ins­pector Romulo Albacea, hepe ng Mulanay Police, ang mga nasawi na sina Celso Red, 28; Ronald Monterey, 29 at Jason Rodelas, 23, na pawang dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng insidente dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at ka­­tawan.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Bondoc Peninsula District Hospital sa bayan ng Catanauan ng lalawigan ang mga sugatang sina Zaldy Prado, 22; Leovino de Galicia, 44; Abraham Almero, 42 at Menardo Abella; 22 na pawang residente ng Brgy. Pakiing sa bayan ng Mulanay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang insidente ay  naganap dakong alas-10:30 ng gabi sa tapat ng isang sari-sari store sa Barangay Buntayog, Mulanay, Quezon.

Ayon sa report, kinompronta umano ng sus­pek ang mga biktima dahil naka-full light ang kanilang service vehicle na Mitsubishi  L-300 van na may plakang SFG-586 na kanya umanong iki­na­silaw habang sakay ng mo­torsiklo.

Sinasabing nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkabilang panig na humantong sa pagbunot ng baril ng suspek at sunud-sunod na pinaputukan ang mga biktima.

 

 

ABRAHAM ALMERO

BARANGAY BUNTAYOG

BONDOC PENINSULA DISTRICT HOSPITAL

CELSO RED

CHIEF INS

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

JASON RODELAS

MENARDO ABELLA

MULANAY

MULANAY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with