^

Police Metro

Suspek sa serye ng LBC holdap, arestado!

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado sa mga tauhan ng Quezon City Police  Station 10 ang isa sa mga suspek sa serye ng panghoholdap  sa mga sangay ng LBC sa Maynila at Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ganap na alas-8:00 ng gabi nang mahuli ang suspek na si  Ruel Herabas, 31, matapos niyang holdapin at looban ang  LBC branch sa Matalino street, Barangay Central sa Quezon City.

Ayon kay Col. Marcelino Pedroso, hepe ng QC PS 10, naaktuhan ng kanyang mga tauhan na papalabas ang suspek sa nilolooban na isang sangay ng LBC kaya nila ito hinabol hanggang sa masukol sa Matalino at Sikap Sts.

Nabawi kay Herabas ang perang nagkakahalaga ng P1,651.00, isang kalibre .38 na baril, mga bala nito at isang surgical mask na ginagamit na pantakip sa kanyang mukha.

Positibong kinilala ng mga nabiktimang emple­yado ng LBC  na si Herabas ang  siyang nanloob sa mga sangay ng LBC.

Aminado naman si He­rabas at sinabing mula nang mawalan siya ng trabaho noong Setyembre, nagsi­mula na siyang mangholdap.

 

 

vuukle comment

AMINADO

BARANGAY CENTRAL

HERABAS

MARCELINO PEDROSO

MATALINO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

RUEL HERABAS

SIKAP STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with