^

Police Metro

Pulis na maraming kaso, ibinalik sa puwesto

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Labis na ipinagtataka ngayon ng ibang opisyal ng pulisya sa Olongapo City kung bakit nakabalik sa puwesto ang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang lugar gayung nahaharap ito sa patung-patong na kaso.

Ayon sa mga pulis, posible umanong ‘ginapang’ ng padrino ni Sr. Supt. Christopher Tambungan na isang senador kaya ito nakabalik sa puwesto bilang hepe ng PNP sa Olongapo City sa kabila ng mga kinakaharap na kaso. Sinampahan ng mga pulis ng kasong grave misconduct si Tambungan dahil sa pagtanggap umano ng ‘drug money’ sa mga suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga.  Anila, sangkot din umano si Tambungan at mga tauhan nito sa ‘pagtanggap’ ng pera sa Kidnap for Ransom incident ng kamag-anak ng actor na si Jake Vargas.

Kabilang sa mga opisyal ng Olongapo PNP na nagsampa ng kasong grave misconduct laban kay Tambungan nitong Nobyembre 22 sina Supt. Armando Mariano, Supt. Christopher Mateo, Supt. Benjamin Elenzano, Sr. Insp. Zaldy Lising, Sr. Insp. Leobaldom Bacon at  Sr. Insp. Vicente Gabarda.

Nasorpresa ang mga nabanggit na opisyal dahil nakabalik sa puwesto si Tambungan sa kabila na ‘on going’ ang ginagawang imbestigasyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa kanyang kinakaharap na kaso. Anang mga opisyal ng PNP, nakakaranas umano sila ngayon  ng demoralisasyon dahil sa ‘panghihimasok’ ng isang senador na dati ring naging hepe ng PNP kaya nakabalik sa puwesto sa Tambungan.

vuukle comment

ARMANDO MARIANO

BENJAMIN ELENZANO

CHRISTOPHER MATEO

CHRISTOPHER TAMBUNGAN

JAKE VARGAS

LEOBALDOM BACON

NATIONAL POLICE COMMISSION

OLONGAPO CITY

SR. INSP

TAMBUNGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with