^

Police Metro

Pagkalat ng droga sa bansa bumaba

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa mga pantalan at paliparan ay bumaba ang pagkalat ng droga sa bansa.

Sa ulat ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rosano “Ruffy” Biazon, tinatayang aabot na sa mahigit kalahating bilyong pisong halaga ng mga droga  ang nakumpiska ng kanyang mga tauhan na kung saan ay nasa 16 dayuhang
drug courier ang nadakip tulad noong Huwebes na isang Vietnamese national na si Pham Thi Anh Tuyet ang nadakip at nakumpiskahan ng 2.838 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon.

Base sa record, na mula noong 2010 hanggang nitong Nobyembre 29, 2012 ay nakakumpiska na  ng  63.523 kilo ng shabu, 19 piraso ng  Alprozalam, 8.737 kilo ng cocaine at  19 tablets na MDMA na ang kabuang  street value ay nasa P462,743,632.21 at kung isasama ang nakumpiska sa babaeng Vietnamese national ay aabot  na sa  mahigit  kalahating bilyon pisong halaga ng droga  ang nasamsam ng BoC.

Idinagdag pa ni Biazon, sa taong 2012 ay maituturing  na  humina o bumaba ang porsiyento nang pagkalat ng droga sa bansa   sanhi nang  sunud-sunod na pag-aresto  laban sa mga   dayuhang drug courier.

ALPROZALAM

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER ROSANO

DAHIL

HUWEBES

IDINAGDAG

NOBYEMBRE

PHAM THI ANH TUYET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with