^

Police Metro

Ordinansa ng South Cotabato, labag sa batas-DOJ

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinatigan ng dalawang nakatatandang miyembro ng South Cotabato provincial board ang opinyon ng Department of Justice na hindi balido ang pagbabawal ng lalawigan sa open-pit mining at kapwa nangakong susuportahan ang desisyon ni Governor Arthur Pingoy, Jr. hinggil sa bagay na ito.

“Iginagalang namin ang opinyon ng DOJ at susuportahan namin ang aksiyon ng gobernador sa magiging tugon sa opinyong ito,” sabi ni South Cotabato provincial board member Agustin Dema-ala.

Inilabas ng DOJ kamakailan ang Opinyon Blg. 87 serye ng 2012 na nagbibigay kapangyarihan sa Department of Interior and Local Government (DILG) na kasuhan ng “grave abuse of authority” at “grave misconduct” ang local government officials na magpapasa ng mga lokal na ordinansa na kumokontra sa Konstitusyon at sa mga pambansang batas.

Iginiit ng DOJ na upang maging balido ang ordinansa, kailangang papasa ito sa pagsubok ng Konstitusyonalidad at hindi lilihis sa umiiral nang mga batas.

Nagpasa ng ordinansa ang South Cotabato na nagbabawal sa open-pit mining method na pinapayagan naman sa Mining Act of 1995.

 

AGUSTIN DEMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GOVERNOR ARTHUR PINGOY

IGINAGALANG

IGINIIT

INILABAS

MINING ACT

OPINYON BLG

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with