^

Police Metro

Babaeng Vietnamese nahulihan ng 2 kilong shabu sa NAIA

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang babaeng Vietna­mese national ang dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Customs matapos makum­piskahan ng mahigit na  da­la­wang kilong shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon kahapon ng tanghali sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Pasay City.

Sa report na tinanggap ni Customs Commissioner Ruffy Biazon mula kay Legal and Investigation Custom police Byron Carbonell, head ng Task Force React, BoC sa NAIA kinilala  ang suspek na  si Pham Thi Anh Tuyet, nasa hustong gulang.

Batay sa ulat, dakong alas-12:20 ng tanghali nang dumating sa Terminal 1 ng NAIA ang suspek sakay ng Gulf Air Via Flight 154 na nagmula sa bansang Bahrain.

Habang nagsasagawa ng inspection ang mga tauhan ni Biazon na Task Force React, BoC,  na nakabase sa NAIA ay nakita nila sa x-ray ang kahina-hinalang bagahe ng naturang Vietnamese natio­nal.

Kaya’t binuksan ang ba­gahe ng suspek at dito ay tumambad ang crys­talline subs­tance na pinaniniwalaang shabu, na nakalagay sa isang sealed compartment, na may timbang na 2.83 kilos, na tinatayang aabot sa P15 milyong pisong halaga kaya’t agad na dinakip ang dayuhan.

Napag-alaman na ang na­turang dayuhan ay du­ma­ting noong Nobyembre 21 ng taong kasalukuyan sa Ghana, Africa at umalis doon noong Nobyembre 27.

 

BUREAU OF CUSTOMS

BYRON CARBONELL

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

GULF AIR VIA FLIGHT

LEGAL AND INVESTIGATION CUSTOM

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NOBYEMBRE

PASAY CITY

SHY

TASK FORCE REACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with