^

Police Metro

Ulong pugot ng ina, isinabit sa Xmas tree ng anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang ginawang palamuti ang ulo ng isang 70-anyos na ina nang isabit ito sa Christmas tree matapos na siya ay pugutan ng sariling anak na desperado sa buhay noong Lunes ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa Moises Padilla, Negros Occidental.

Bukod sa pagpugot sa ulo ay tinadtad pa ang katawan ng biktima na nakilalang si Nenita Aguirre, residente ng Brgy. VII sa nasabing bayan.

Nadakip agad ang suspek na si Viajojie Aguirre, 38, walang trabaho.

Batay sa ulat, na natanggap ni Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., dakong alas-6:30 ng umaga kahapon  nang madiskubre ang karumaldumal na krimen sa bahay ng pinaslang na biktima nang makita ng kanilang kapitbahay ang suspek na duguan ang damit na naglalakad.

Kinutuban ang nasabing kapitbahay kung kaya’t nag-usisa ito sa loob ng bahay ng mag-ina at dito ay nadiskubre ang bangkay ng biktima na walang ulo.

Agad nitong iniulat sa pulisya ang pangyayari at nang magresponde sa lugar ay nagulantang  ang mga ito matapos na makita ang pugot na ulo ng biktima na isinabit sa Christmas tree habang  ang pinagputol-putol na katawan nito na natagpuan sa kusina.

Nabatid na ang suspek ay mentally depressed matapos itong hiwalayan ng asawa na isang guro na sumuko na sa pagiging umbagero at lasenggero nito.

Bago ang krimen ay tatlong araw na umanong walang tulog ang suspek at noong alas-9:00 ng gabi ng  Lunes ay inireport pa ito ng kaniyang ina sa pulisya dahilan sa pagwawala sa kanilang lugar. Kinasuhan ang suspek ng parricide.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

BATAY

BRGY

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

MOISES PADILLA

NEGROS OCCIDENTAL

NENITA AGUIRRE

POLICE REGIONAL OFFICE

VIAJOJIE AGUIRRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with